Wednesday, December 5, 2012

DREAM

oh yeah! :D eto na! a dream has came true! tama ba grammar ko?! hindi ko na alam. basta hanggang ngayon, masaya pa rin ako. hindi pa rin ako makapaniwala na naglevel up na yung status ko sa buhay. dati rati pangarap ko lang talaga yung maging isang engineer, at eto, hindi na pangarap! natupad na sa wakas! at ang sarap sa pakiramdam lalong lalo na para sa pamilya ko. ang saya. talagang tuwang tuwa ang aking buong angkan sa pagpasa ko. kung hindi ako nagkakamali, ako ang unang unang engineer sa angkan ng Saliva, at sa side nila mama. woooooh! ang swerte ko din eh no.

alam niyo ba, out of 5700+ na nagtake ng board exam eh maswerte ako dahil nakasama ako sa 2380 na mga estudyanteng nakapasa! hindi man ganun kataas ang rating ko, pero thankful ako dahil pumasa ako. wala naman ako sa pasang awa level pero nasa level ako na pwedeng pwede na! hindi ko man nakuha yung pangarap na maging topnotcher, masaya pa rin ako kasi pasado ako. nakakalungkot lang isipin na hindi lahat ng kaibigan mo ay pinalad. yung iba bagsak, hindi umabot sa passing rate. may mga hindi pumasa na sobrang sipag magaral. hindi natin alam bakit ganun ang kinahinatnan pero ang Diyos ay may dahilan kung bakit hindi mo pa oras para madagdagan ng ENGR abbreviation ang pangalan mo.

tandaan natin, dadating din ang oras na hinihiling mo. hindi lang natin alam kung kailan. kailangan natin ang pasensya at paghingi ng tulong sa nasa taas. hindi niya tayo bibiguin hanggat ginagawa natin ang nararapat at ang kaya natin. effort! effort! kailangan nito. ipakita na karapatdapat ka.

Monday, November 5, 2012

In the End

Kahapon, habang ako ay pauwi galing sa klase sa review. Napabili ako muna sa Ever-Recto ng makakain. Nakakagutom eh. After that sequence, sumakay ako ng jeep papauwi. As usual, kailangan ko ng music para marelax habang pauwi. Nagpatugtog ng mga kanta ng Kamikazee, then nagsawa after mga 7 songs. Gusto ko maiba naman ng kaunti. Ang natripan ko that time ay mga kanta ng Foreign Bands, pero sa dami nila sa cellphone ko, hindi ko alam kung sino. Aba, matagal ko na pala hindi napapatugtog ang mga kanta ng Linkin Park. Kung 90's kid ka, kilala mo sila at yung mga naunang kanta nila. Rakrakan ang genre nila mejo may hip, light lang naman dahil sa mga rap part. Pero astig dahil ang ganda ng blending at combination ni pareng Mike Shinoda at Chester Bennington. Samahan mo pa ng mga damubs sa scratching ni Dj Joe Hahn. Ang favorite ko ngang kanta nila eh Papercut. Natutuwa ako sa kung paano nila tugtugin ito. Ang cool kumbaga.

Pero ano nga ba ang pakay ko sa lathalaing ito? Ang haba ng pasakalye ko ata? Habang nakikinig ako ng mga kanta nila. May naisip akong irelate bigla! Bigla lang nagpop-out sa utak ko na i-relate ang aking koponan. Ano pa nga ba? Sino pa nga ba? Edi ang Ginebra? Pero paano? Saan? Kailan? Bakit?

Kararating ko lang sa Pasig property that time ng napatugtog ko ang kantang In the End. Eto irerelate na natin. Na-good vibes kasi ako ng marining ko at mairelate ko to sa Ginebra. Yung lyrics kasi na may patama sa mga pangyayari ngayon. Lets see!

"I kept everything inside
And even though I tried
It all fell apart
What it meant to me
Will eventually be
A memory
Of a time"


Ayan yung refrain part ng kanta kung di ako nagkakamali. I-relate natin sa nangyayari sa team natin. Baka magmistulang "Ang Dating Doon" ni Brod. Pete tayo dito ah! HAHAHA! O sige, ano nga ba ang pumasok sa kukote ko? 


Sabi sa kanta na "I kept everything inside and even though I tried, It all fell apart..". Sa totoo lang, sinasabi ko sa sarili ko nung Manila Clasico game 1 na makakabawi na ang Ginebra, at maganda ang timing kasi sa rival pa na tapat. Ang taas ng kompyansa ko sa sarili ko at sa team. Talagang tiwalang tiwala ako na mananalo na ulit sila at matatapos na ang loosing skid nila. Nanttrashtalk na nga agad ako sa mga kklase ko eh. Hindi pa naguumpisa ang laban inassume ko na ang panalo nila. Nagtext pa nga sa akin yung tropa ko ang sabi eh baka yung iskor ng 2nd game, yung Meralco-RoS, maging ganun din iskor. Tambak nga lang daw ang Ginebra ko. Sabi ko "di rin, tignan na lang natin!". Inassume ko din na ang isang commentator na tuwing siya ang andun sa laban ng Ginebra, siya ang Jynx! Tuwang tuwa nga ako ng makita ko nung 2nd game na siya ang nasa commentary. Sabi ko wow! Natuwa ako, di mamalasin ang Ginebra! Nag-pm pa sa facebook ang isang kaibigan kong villain ng Ginebra, maka-Talk N' Text yun eh. Ang sabi pa sa akin "Baka manalo na Ginebra mo, hindi si  _______ ang commentator." Natawa na lang ako, di na ako nagreply dahil concentrated ako sa pagdating ng mga idol ko! At nung maglabasan na sila, syempre sigawan na diba! Ang sarap ng feeling lalo na kasi makakapaglaro na ulit yung idol ko sa Ginebra, si Dylan Ababou! Pero sabi din sa refrain lyrics ng kanta, "..It all fell apart, what it meant to me will eventually be a memory of time...". Ayun, minalas ang Gin Kings. Lahat ng expectations ko, it fell apart. Yung gandang laro na napipicture ng isip ko hindi nangyari. Yung close fight, down the wire thirilling game nawala. Hindi nangyari ang mga inaasahan ko. Si Mr. MVP off-night, si birthday boy naman trip na trip ng referee tawagan ng foul. At ang pinakamasakit sa lahat ay yung makita ko yung idolo ko na nainjured ulit. Hindi lang basta injury eh, nakakatakot na injury. ACL pa ang dumapo sa kanya. Nakakatakot pag pinakikita sa replay yung pagkaka-twist ng tuhod niya. Nakakalungkot. That time nasa state of shock pa ako eh. Hindi makapaniwala sa mga nangyayari. But the game goes on. Turnovers, point-blank misses, free throws missing. Hayyyyy. Malas in short. Malas ang Ginebra that night. And matatatak talaga to sa isip ko kasi yun ang unang beses ko makapanood ng may nainjury na player.


"I tried so hard
And got so far
But in the end
It doesn't even matter.
I had to fall
To lose it all
But in the end
It doesn't even matter."



Sa laki ng expectation ko, walang nangyari, so disappointed ako. Pero wala naman akong magagawa. Isang fan lang ako na naniniwala sa kakayahan ng team. Sabi nga ng kanta "I had to fall to lose it all, but in the end it doesn't even matter..." Yan na lang ang nangyari eh, wala tayong magagawa, kung hindi pinagbigyan ng ring yung Ginebra, wala talaga. Ganun naman talaga ang larong basketball eh, may nananalo, may natatalo. May buwenas, may minamalas. It doesn't even matter nga ba? Masasabi ko lang, 50-50. 50% it matters dahil sa loosing skid nila at dahil sa rivalry at para sa kompyansa ng koponan. 50% na it doesn't matter dahil maaga pa naman. Hindi pa dapat magpanic. First part pa lang ng Manila Clasico, at maaga pa lang sa elimination round. Kung tutuusin, ang huling championship ng Ginebra ay noong 2008 pa, kung saan nagstart sila ng 0-5. Malay mo mangyari ulit! 5-game loosing streak din sila ngayon aba! Repeat 08 at 38! Yun ang chant ng mga die hards! Wag muna tayo masyado mainit ang ulo. Kahit naman mga coaches nahihirapan, lalo na din ang players. Nakakaawa na rin ang coaching staff kung minsan, dahil sila yung nasisisi lagi. Pero ganun talaga eh. Wala tayong magagawa.


"I put my trust in you
Pushed as far as I can go
For all this
There's only one thing you should know"


Pero sa huli, nagtitiwala pa rin ako sa Ginebra. Sa kanila pa rin ako nakasuporta. Aba mula pagkabata ko sila na ang paborito ko eh. Sabi nga sa kanta "I put my trust in You..." Talagang hinding hindi ako magsasawa sa Ginebra. Never say die lang mga kabaranggay! Hindi pa tapos ang laban. Sabi nga ni Jawo diba, "Kapit lang!" Tatagan lang natin ang loob natin. Ibalato na natin sa kanila ang mga nangyayari. Sila naman ang gagawa ng solution eh, kaya wag na tayong mangamba. Leave all to them. Basta i-cheer natin sila para lalo pa silang ganahan. "There's only one thing you should know.." MANALO MAN O MATALO MAN, GINEBRA PA RIN AKO! Walang susuko hanggat di pa tapos ang laban! Sabi nga ni Rocky Balboa "It ain't over till its over". Go lang ng go! There are always room for improvements. Kaya ng team yan. Wag natin sila kalimutan sa ating mga prayers lalo na yung mga players na sidelined dahil sa injury. Let us trust them and cheer for them. Smile na mga kabaranggay. Babawi tayo!

GI-NEB-RA! GI-NEB-RA!



1,468,800 seconds left

17 days to go. 408 hours left.  1,468,800 seconds na lang ang natitira at it will be a big day for me. Not actually para sa akin lang. Syempre naman para sa mga kaklase ko rin diba. It will be a big day for us. A test that will determine our future, a test for our lives, and also a test of faith. Survival mode? Not much. Pero kasi eto na talaga yung magdadala ng future mo, ng hinaharap mo, ng buhay mo. Dito mo malalaman kung ikaw ba ay tinakda na maging lisensyadong Civil Engineer na o hindi pa ba ito ang oras mo.

Nakakatuwa, nakakainggit, nakakainspire. Yan ang mga nararamdaman ko ngayon. Kabado? Takot? Ba't wala sa akin yun? Honestly, nasa akin yun. Itinatago ko lang. Ayaw ko kabahan. Optimistic ako kumbaga. Kasi naging panata ko sa sarili ko since maging 5th year college ako eh ganito, "Nakakakaba na nga ang sitwasyon, bakit ka pa kakabahan. Dumoble lang yung kaba mo, kaya wag ng kabahan. Relax lang."   Yan yung mga salitang naisaisip ko during my last year sa college. Delikado ang lagay namin nun dahil yung proffesor namin eh kilala na "maninira ng pangarap". Hindi naman literal, pero talagang maraming takot sa kanya dahil maraming binabagsak ang taong yun. Matalino si Sir, yung expectations niya sa estudyante mataas. Madalas kapag nagtuturo siya at hindi niyo alam yung pinpunto niya, ang sasabihin niya "Ba't di niyo alam? eh 3rd year pa lang dapat nasa utak niyo na yan?" May kasama pang face-dance si Sir jan. Minsan kasi may mga di rin naituturo sa atin na pagdating sa higher year eh magagamit mo masyado pero yun nga, sa kasamaan palad hindi naituro sa inyo. Nagpapasalamat nga din ako kay Sir kasi talagang ang dami niyang naituro sa amin. Kahit nakakatakot siya. Madaming bagay na doon ko pa lang nalaman sa kanya na dapat natackle na pala dati nung lower years. At take note may mga formulas siya na siya lang ang nakaisip. I mean, may diskarte siya eh. Nakakatuwa. Pinagmamalaki niya lagi yun. Malaking tulong naman talaga eh. So much for that.

Handa nga nga ba kami? Sila? Lalong lalo na ako? Sa tingin ko nasa 75% pa lang ako. Assesment ko nga sa sarili ko, mas ok ako ngayon kasi talagang yung dedication ko sa oras mas tumaas kumpara dati. Dati kasi nung mga unang buwan, chill chill lang ako. Paguwi mag-eemo emo lang. HAHAHAHA! Paguwi hahawakan ang gitara. Magdodota pa nga kahit AI ang kalaban eh. Tapos talagang walang sundot sa notes. Walang sundot ng problems kahit paunti unti. Ngayon eh talagang pagnakauwi ako, kahit makalimutan ko na kumain ok lang. Natatapos ko yung problems, kung minsan hindi pero masaya ako kasi talagang nag-improve ako. Pero alam ko kulang pa yung effort ko. Kailangan ko pang dagdagan. Meron pa naman akong natitirang 24,480 minutes eh. Kaya pa to diba? Kailangan ko lang talaga mag-focus. Yung sarili ko din naman ang dapat tulungan ko eh. Oo andyan ang mga kaibigan ko para makapagaral kami, group study, lecture-kuno pero yung sarili ko din in the end ang may malaking factor sa usapang ito. Pero siyempre the best factor sino pa nga ba? Edi si Papa Lord! Kapit lang! Kapit na kapit ako sa kanya. Makasalan ako pero alam ko di ako iiwan ni Papa Lord. 60% studies 40% prayer ang board exam. Sana?! Hindi natin alam.

Hindi naman din natin alam kung ano ano ang mga lalabas sa board exam. Kailangan talaga ready ka kahit sa mga maliliit na mga bagay bagay. Hindi pwedeng sasabihin mo na "Di naman siguro yan lalabas sa board pre..". Sabi nga ni Sir Dindo, "Huwag basta basta mag-aasume...". May mga bagay na nadadaan sa assume pero hindi lahat. Ang theory ng Civil Engineering ay umiikot sa assumptions para sa computation. Pero di sa lahat ng oras. May mga bagay na dapat talagang pinagiisipan kung bakit ganito o ganyan. Minsan kasi may mga problems daw, sabi sabi nila, na kulang ang given. Talagang kailangan din madiskarte ka. Hindi ka formula based. Pero pwede ka din formula based kung alam mo ang concept kasi kaya mong paikut-ikutin ang formula eh.

Pagdating sa mga board exam, anjan ang maraming issue. Unang-una na diyan yung leakage! Nako, naniniwala ako sa sinabi ni Sir Dindo sa amin na walang tiwala ang gobyerno sa kakayahan ng isang estudyanteng pinoy. Hindi sila naniniwala kapag madaming pumasa na mataas ang rank. I-coconclude nila na may leakage! May mga instances na ang mga yun. Hindi lang sa engineering board exam, pati din sa nursing. Ewan ko kung alam niyo yun. Ayaw ko na lang i-chika, baka mali yung narinig ko. Mahirap na, galing sa kwento eh. Pero paano kung may naka-perfect ng board exam? Ano kaya ang magiging reaksyon ng PRC? Leakage din kaya? E kung sadyang biniyayaan yung bata ng katalinuhan e.

Sa ngayon, may bet na sa pagiging Top 1 sa darating na board exam. Ewan lang natin kung siya nga ba yung nakatadhana. Kasi kahit nga sabihin mong matalino ka, Suma Cum Laude ka, o kautak mo si Newton or Einstein e kung di talaga ikaw yung nakatadaha na mag-Top 1 sa board, sorry ka na lang. Baka nga ang nakatadhana pa eh yung taong happy-go-lucky pa. Siya pa yung makatsamba. Who knows? God only knows. Kaya tiwala lang tayo. May purpose ang mga bagay bagay. Kung hindi para sayo, may darating na mas ok at mas fit para sayo. Alam naman ng Diyos ang nararapat para sa atin. Alam niya kung ano ang gusto at kailangan natin. Magkaiba yun right? So kung ano ang kailangan natin, yaon ang maibibigay niya. Let us be thankful for what He will give to us. Contentment. Happiness. That is all we need in this life.

Kaya fellow Civil Engineering graduates na magtatake ng board exam. Kapit lang tayo. Hinding hindi niya tayo pababayaan. Tiwala lang. Do our best and God will do the rest!

Sunday, November 4, 2012

Slumping start

Oh yeah!

Manila Clasico Part I. It ended sadly for my fellow Ginebra fans. Ang hirap tanggapin, ang hirap isipin. Pero ganoon talaga ang larong basketball. Kung hindi para sayo ang game na iyon, hindi sayo ibibigay ng ring ang swerte.

Manonood kami dapat ng erpats ko ng live game, kaso ang gusto niya sa may seat number na pwesto tulad ng Lower Box. Minalas, wala na kaming nakuhang ticket. Maarte tatay ko. Haha! Ayaw nun sa free-seating. Tamad tumayo. Sabagay, nagkakaedad na eh. Anyway, kahit di siya nakabili, nagpumilit ako. Ang sabi ko kahit ako na lang. So ayun, pumayag naman siya. Agad-agad ako nagtext sa mga classmates ko pero walang nagreply na sasama sila sa akin.Yung isa gusto, pero tatapusin muna daw niya yung Steel Design sa booklet namin which is tapos ko na gawin yun eh. Bale nilaan ko talaga yung sunday para makapanood muli. Marefresh naman utak ko, nakakapressure na eh. Malapit na board exam. So kailangan ko din naman magchill kahit papano diba. Tinapos ko talaga sagutan yun para lang makapanood ako ng Manila Clasico ah.  Kung alam niyo lang,  nagkasinat pa ako after ko matapos sagutan yun. Haha! Anyway, wala tayo dun, sa Ginebra ang focus ng aking first blog.

So wala, walang sumama sa akin na classmate ko. Tinext ko ngayon ang batchmates ko, unfortunately yung isa hindi pupwede dahil kababa lang ng bundok at nilalagnat (pagaling pare!). Tapos ayun, may nakasama naman at may bitbit pang makulit na mga kapatid. Pagdating ko na Araneta, late na ako eh. Ang haba ng pila sa ticket! manlulumo ka eh, parang ayaw mo na dahil super haba pero syempre andun na ako, pipila na lang ako kaysa umuwi, sayang din effort at minsan lang naman ako makapanood ng live. Sa red gate ng Araneta ako nakapwesto sa pila. Hindi ko naisip yung green gate! Anak ng crocodile naman! Doon kokonti daw ang nakapila sabi nung guard, edi ang tendency ng tao maglipatan, so kumonti ang nakapila sa red gate. Pero actually madami pa rin eh. Nabawasan nga lang. After 2 hours of pila, ayun! Nakabili na rin. Excited ako sa pagpasok ko. Pagpasok ko, nagsisimula na ang game between Barako Bull and Global Port. Its an exciting game! Down the wire! Mintis ang breakaway winning layup ni idol Ronald Tubid, then super dooper loose ball ang nangyari. Players diving, sikuhan, hatakan ng jerseys para lang makuha ang bola. Nagmistulang "agawang buko". At ang mapalad na nakapulot ng "buko" ay si Sean Anthony at sabay pasa sa open teammate na si Tubid! Tubid again for the lay-in! This time, pumasok na ang point-blank shot niya! The Big Dome is on a ROAR! Talagang sigawan ang fans at namiss ko ang ganung feeling anyway. May mga segundo pang natitira but Miller failed to have the last shot because of the pesky defense gave to him by the Energy Colas. Vanlandingham fired the last shot but failed to rim it in. It was a great game. Barako's happy, but the Batang Pier, sadly walking out of the playing court after the game. Hinayang na hinayang si Josh, actually, off-night din siya pansin ko, pero he made a big 3-point shot in the final minutes to make it close for his team. Great effort though.

Next game. Meralco Bolts and Rain or Shine Elastopainters. Uhmm. Wala ako masasabi. Malas ang Bolts, swerte ang E-painters. Yung lang. (Sorry, gusto ko na magkwento para sa team ko)

At eto na! The fans are roaring! Ginebra ang unang pumasok! The crowd roars! Then the Mixers, the crowd roars better! Honestly, kahit Ginebra fan ako, ramdam ko yung mas matinding ingay ng #SanMigCoffeePlanet. Nakakalungkot. Kumonti na ba talaga ang fans ng Ginebra? Nagsilipatan na ba sila? Anong dahilan? Yung slump siguro nila? Hindi ko din alam kung bakit, kung ano talaga. Bahala sila. Kung saan sila masaya, doon na lang sila. Basta ako, sa Ginebra ang aking puso. Sa kanya lang naman ako sasaya eh. Since birth, Ginebra fan na ako. OA man, pero Ginebra ang kinalakhan kong team. Kami ng tatay ko eh magkalaban, Purefoods basketball siya, so maka-SanMig siya ngayon. At the start of the game, pag hawak ni James Yap ang bola, a big "BOOOOOO!" from the baranggay ang maririnig mo. Ginebra made a 4-0 lead. Sadly, yun na pala ang una't huling lamang nila. Nung si Caguioa naman ang pumasok, a big "BOOOOO!" from  the SanMig fans ang narinig naman. Kapag yung superstars ng team eh yung may hawak ng bola, maririnig mo yung "BOOOOOOO!". Nakakatuwa pakinggan kasi yung fans di napapagod. Sa pagcheer at sa pag-boooo. Every basket that was made by the players from both teams, the crowd roars!

Pero ang nakakalungkot, ilang minuto pa lang ang nakakalipas, ang aking iniidolo ngayon sa Ginebra na si Dylan Ababou ay nainujury, ACL nga daw ata eh. At nabasa ko out for six months! Nabasa ko lang, hindi ako sure. I-check ko pa from reliable source. Ang sakit sa pakiramdam, lalo na nung pinakita yung replay. Maaawa ka sa kanya, akala mo nga parang robot lang yung pagka-twist ng binti niya. Nakakatakot. Ang sakit nun kahit di sa akin nangyari. Natutuwa pa naman ako kasi makakalaro na siya muli kasi coming from injury siya, pulled muscle nga yung last injury niya eh. Tapos eto natsambahan na naman si idol. Alam niyo, kapag naglalaro siya, nakikita ko talaga sa way ng laro niya yung "Never Say Die" attitude at talagang bigay na bigay siya sa laro. Kaya idol ko siya eh! Wala pa sina Jayjay at Allein kagabi dahil sa injury. Tapos si Kerby naman may lagnat.

Kitang kita ang height advantage ng Mixers. Yung absence ni Kerby, ramdam eh. Walang bigman na kayang magshoot sa labas, magpenetrate at magpost move. Yun ang napansin ko kagabi. Sa labas halos lahat ng tira ng Gin Kings. Tapos si birthday boy Rico naman trip na trip ng referees tawagan ng foul. Kung tutuusin, kaya niya sa ilalim makipagbanggaan sa malalaki ng Mixers, yun nga lang foul trouble siya kaya nahihirapan din siya. Pansin ko nga, nakakadikit ang Kings kapag nasa loob si Rico. Kahit papaano, nakakakuha sila ng magandang defense inside. Syempre alam ni Coach Tim na maliit ang lineup ng Ginebra so ang ginawa niya, pinaubaya niya sa mga malalaki ang damage actually. Bonus na lang yung kay DeVance actually para sa akin. Interior offense ang nagpanalo sa kanila. Anyway hindi ako gumawa nito para kutyain ang team ko. Nakakdurog ng puso ang pagkatalo nila, nakakalungkot. Tambak. Season-low na naman ang score nila. Si Caguioa naman off-night din. Point-blank shots namimintis pa niya. Turnovers din, ang dami. Yung rotation din ng players parang kakaiba. Pero hindi ko alam ang tumatakbo sa utak ni Coach Siot that time. Hayaan na lang natin sila. Fan tayo, wala tayong power mag-coach. Sigurado ako, kung sino mang fan ang may hinanakit kay Coach Siot, sasabihin niya na palitan na. Eh kung ikaw kaya ang mag-coach at natalo ang Ginebra, sigurado ako, DUROG ka boy! Talagang ganyan ang bola eh. Bilog. Minsan maamo sayo ang ring, minsan mailap. Marami pang natitirang laro, marami pang tsansa. Actually, nung last championship ng Ginebra kung saan nagwagi sila, they starter 0-5 in that conference at ayun! BENG! sila pa nagchampion diba! Who knows, baka mangyari ulit yun! Baka ganun ulit ang kapalaran! Next game nila ang Batang Pier, parehong nasa dulo ng standings. Hindi naman sa inuunder-estimate ko sila, pero alam ko kaya ng Gin ang Batang Pier kapag napigilan si Miller. Both slumping teams are both hungry for the wins kaya nga mas nakakatakot din sila kalaban sabi nga ni Coach Franz.

Basta ipagdasal natin na sana bumuti na ang lagay ng players at makabalik na ng maayos. Sana rin makuha na nila ang right chemistry ng team. Let us just leave it to them. Wala tayong power para magdikta sa kanila. Better na magcheer pa rin tayo kahit sunod sunod ang talo. Kasi mas maiinspire sila kung nakikita nilang patuloy pa rin ang suporta natin sa kanila. Nakakataba ng puso yun diba. Never say die guys! We will WIN! WE WILL BE CHAMPIONS at the right place at the right time! Ginebra all the way!


GINEBRA! GINEBRA! GINEBRA!

(may pasok pa pala ako sa review anong oras na! sige na. next time ulit! Godbless!)